MGA PAYO NI ATE AJ

Kapag nabigo ka o nasaktan ka dahil sa pag-ibig, isipin mo na lang nadapa ka at nasugatan. Siyempre masakit, pwedeng di ka agad makatayo sa pagkakadapa mo o kaya pag matindi yung impact ng pagkakadapa mo, baka humandusay ka pa sa kalye nang medyo may katagalan. Kung may mabait na stranger na aalalay sayo, eh di ayos, pero pag wala medyo sorry ka na lang, you have to face the challenge on your own.  Pero siyempre hindi ka pwedeng masyadong magtagal sa kalye at baka maaksidente ka pa dun, masagasaan, mapagtripan at kung ano-ano pa. Kaya kahit may kirot pa, kailangan mo nang bumangon at mag-MOVE ON kahit iika-ika ka pa, sugatan at duguan.

 

Gayon pa man, siguradong makakauwi ka rin sa bahay niyo kahit ganyan pa ang kalagayan mo. Normally, pag-uwi mo you pretend na okay ka lang, parang walang nangyari. Sasabihin mo, “papahinga muna ko ah, medyo pagod kasi ako”, so you turn your back from the people at home while you hold back your tears until you get to your room.  Siyempre mapapansin yun ng ermats at erpats mo, ng mga kapatid mo, ng pinsan mo, ng girlfriend ng pinsan mo, ng kapitbahay niyo  na pawang hobby na ang  tumambay sa bahay niyo. Pero di agad sila magco-conclude na broken-hearted ka. Malamang iisipin lang nila na you just had a “bad hair day”.

 

Pagdating mo sa kuwarto, hahanap ka agad ng first aid kit at siyempre ang pinakamadaling pantakip sa sugat mo ay band-aid para siyempre walang makakita nung sugat. Pero, kadiri  yun ah, yaks, eew, di mo pa nga hinuhugasan yung sugat mo, tatakpan mo na agad ng band-aid o yung “panakip butas”, wag ganun. Mas mabuti, harapin mo yung sakit, yung sugat, hugasan mo, linisin mo, buhusan mo ng alcohol habang nakasubo sa yo ang tuwalya para kahit maghihiyaw ka sa sakit eh walang makarinig. Ang mahalaga naging matapang ka para tiisin at harapin yung sakit kasi kung tutuusin, hindi naman ganun kahaba yung panahon na titiisin mo yung hapdi kesa naman lagyan mo ng band-aid na panakip butas at itago na may sugat ka pala at mag-impeksiyon lang later. Mas mabuti pa ngang wag ka nang magband-aid at ipakita talaga yang sugat mo eh. Produkto naman yan ng aksidente ah, bakit ka mahihiyang nasugatan ka at nasaktan ka nang dahil sa pag-ibig. (Naks! ang lalim)

 

Hayaan mong makahinga yung sugat, maghilom at gumaling in time, maging patient ka lang. Wag mong tutuklapin pag natuyo na gaya ng ugali ng madami, sa kagustuhang dispatsahin na agad yung sugat. Magpepeklat yun pag ginawa mo at pwedeng hindi na matanggal sa balat mo yung peklat na yun kaya tandaan ang babala: HUWAG TUTUKLAPIN ANG SUGAT (magandang quote yan, pwede mong gawing status sa fb). Basta, move on, gawin mo yung mga dati mong ginagawa, pursue your dreams, go for gold, and achieve your goals.

 

Pwedeng habang ginagawa mo yung mga bagay na yun sumakit pa din yang sugat mo from time to time. Ganun talaga, pero huwag mong isipin na forever ka nang ganiyan dahil pag tuluyan nang naghilom yung sugat mo, makakalimutan mo na lahat ng tiniis mo at sakit at parang wala na talagang nangyari. So you can start anew, pwede ka nang madapa ulit, este, umibig pala ulit. At least natuto ka na di ba. Kung masugatan ka man ulit, alam mo na kung pano gamutin at maka-recover agad. Better yet, next time mas magiging maingat ka na para kung madapa ka man, galos na lang at hindi na sugat. Ganun naman ang pag-ibig eh, don’t expect it to be all pain free pero hindi ibig sabihin na magpapabugbog ka para lang sa pag-ibig.

 

In conclusion, normal lang ang masaktan ka dahil sa pag-ibig pero hindi yun ang hangganan nun. Naranasan mo yun para mas maging matatag, matalino at maging totoo next time na umibig ka ulit. Naranasan mo din yun para lalo mong makilala sarili mo. So sana, nakatulong tong mga payo kong katawa-tawa sa inyo lalo na sa mga tinamaan ng mensaheng ito. Salamat.

 

 

Published by AJ

Hi! I'm Aj from the Philippines. Obviously I love to read and write and from years of experience I have learned that when you love something so much, you would do it absolutely for free so here I am writing stuff for all people to see in the hopes that at least one or maybe two souls could benefit or get little inspiration from what they will read from this blog. Enjoy and spread the love! ;)

9 thoughts on “MGA PAYO NI ATE AJ

  1. Eilonwy/Holly here!

    Ading AJ, what language is this? There are so many Filipino languages shown in the Wikipedia entry that I don’t dare guess. But the linguist in me is always curious.

    I love the English phrases scattered throughout this! And “siyempre” sounds like Spanish to me, but probably isn’t.

    1. Ate Holly! My smiles reaching my eyes right now seeing your comments. This is written in Filipino and yes, there are some English words and phrases scattered throughout. How I’d love for you to be able to understand this particular post but it’s going to be different when I translated it in English.

  2. wow this is nice! Hi AJ! I don’t know if you remember me. Elaine here. hihi! love your wordpress account. :* love your poems and your musings hihi.

  3. you may want to check out our wordpress site uglywriters.com I have some poems too and some shorts/love notes there under BinibiningE. thank you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: